Friday, April 17, 2015

Braulio Manikan : Unang Pilipinong Baptist

Si Braulio Manikan ang unang Pilipinong naligtas at nabautismuhan bilang isang Baptist. Kilalanin natin siya at alamin ang kaniyang mga nagampanan bilang isa sa mga unang nakapagtaguyod ng pananampalatayang Baptist sa Pilipinas.


Si Braulio Ciriaco Manikan y Miralles ay ipinanganak noong Marso 26, 1870 sa Unat, Ibajay Aklan.. Ang kaniyang ama ay si Kapitan Antonio Manikan at ang kaniyang ina ay si Concepcion Manikan. Ipinanganak siya sa isang mayaman na pamilya. Lumaki siya na may isang yaya na nagaaruga sa kaniya. Nag-aral siya sa isang paraalan ng mga Hesuwita sa Manynila noong siya ay labing dalawang taong gulang.

Nakatanggap siya ng Biblia mula sa kaibigan ng kaniyang lolo. Kalaunan ay ninais niya na mag-pari sapagkat marami siyang mga kamag-anak na pari at madre, at dahil na rin sa karangalang natatanggap ng mga nag-papari sa panahong iyon.

Habang nagaaral sa seminaryo ay nakita nya ang napakaraming uri ng korapsyon sa simbahan. Dahil rito ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral ng pag-iinhinyero. Iba naman ang sinasabi ng kaniyang mga anak. Nahuli raw siya na may damit ng babae sa kaniyang silid at ito ang nagdulot ng ng kaniyang pag-lisan ng Pilipinas patungo ng Espanya).



Sa Espanya ay nakilala ni Braulio si Eric Lund, isang Swede, at ang unang Baptist na misyonero sa Espanya. Sa ilalim ng gawain ni Lund ay naligtas at nabawtismuhan si Braulio noong 1898. Ipinakilala niya kay Lund ang kaniyang mga Pilipinong kaibigan at isa na rito si Adriano Osorio Reyes na naging misyonero sa Iloilo.

Agad na naghanda si Braulio na makabalik sa kaniyang bayan upang maibahagi ang mabuting Salita ng Diyos. Ibinahagi ni Lund ang paghahanda na ito sa American Baptist Missionary Union, isang mission agency. Ikinagalak ng ABMU ang balitang ito. Si Lund at si Manikan ay opisyal na naging mga misyonero sa Pilipinas sa ilalim ng ABMU.

Hindi agad nakabalik si Manikan at si Lund sa Pilipinas sapagkat kulang ang kanilang salapi, at sa panahon din na ito ay kasalukuyang naghihimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Bukod pa sa mga ito ay ang digmaang Espanyol at Amerikano ay umabot na sa Pilipinas. Ngunit hindi sinayang ni Lund at Manikan ang kanilang panahon sa Espanya. Sinimulan nilang isalin ang Biblia sa Hiligaynon. May mga "tracts" din na naisalin at may iilang mga babasahin na ipinadala sa kanila mula sa California. Karamihan sa mga tracts ay isinulat ni Lund at ang mga ito naman ay sinalin ni Manikan.

Bukod sa paglilimbag ay sinubukan rin aralin ni Lund ang wikang Hiligaynon sa gabay ni Manikan. Si Manikan naman ay natuto ng maraming bagay tunkol sa tradisyon ng mga Baptists.  Noon Mayo 3, 1900 ay nakarating si Lund at Manikan sa Iloilo. Malaking ang naitulong ng salin ng dalawang misyonero sapagkat maraming tao ang agad nabahagian ng Salita ng Diyos sa kanilang sariling linggwahe. Hindi lang ang mga Baptists ang nakinabang sa mga salin na ito ngunit pati na rin ang iba pang mga Protestanteng denominasyon.

Ang mga datos sa artikulong ito ay kinuha sa libro ni Nestor D. Bunda. A Mission History of Philippine Baptist Churches 1898 - 1998 From A Philippine Perspective.


Larawan:
Braulio Manikan: Baptist History and Heritage Forum


First Filipino Baptist, Baptist History in the Philippines, History of Baptists in the Philippines

6 comments:

  1. This is my dear Lolo. Thank you for sharing about his life and journey. Can you please translate in English?

    ReplyDelete
  2. The Book was published the same year I was born. I'm proud to be a BAPTIST.

    ReplyDelete